Anak ng Dakilang Maykapal ang lahat
ng tao. Pinagkalooban nya tayo ng mga angking karapatan. Kinikilala ng ating
sambayanan ang mga karapatang ito at nakasulat ito sa ating Konstitusyon.
-
Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng kompleto
at masaganang pamilya. Sila ang kasama mo at tutulong sa inyong paglaki. Ang
pamilya ang isa sa pinakamahalagang parte ng isang masaganang bansa.
-
Karapatan ng bawat isa magkaroon ng maayos na
tahanan. Karapatan mong mabigyan ng masusustansyang pagkain at malilinis na
damit. Ang mga pang araw-araw na pangangailangan ng mga anak ay kailangang
maibigay ng mga magulang dahil ito ay makatutulong sa paglaki ng kanilang mga
anak.
-
Karapatan ng bawat isa na makapag-aral. Ang
iyong pinag-aralan ang magdadala sa magandang kinabukasan na magkaroon ng isang
marangal na trabaho.
-
Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng ligtas at
tahimik na pamayanan, ng malinis na kapaligiran, malinis na likas na yaman at iba
pa.

No comments:
Post a Comment